Posts

Natutuwa kaya ang Diyos sa "Pasko"?

Isang kaklase ko ang nagtanong, "Ano bang religion mo?", matapos na sabihin ko na hindi ako nagce-celebrate ng Pasko, at ng iba pang holidays na may religious background . Katulad ng maraming tanong sa mundo, madali lang sagutin nang may isa o dalawang salita ang ganitong tanong. Maaaring ibalik sa kanya at tanong at sabihing, "bakit naman ako magpapasko? Natutuwa ba ang Diyos sa Pasko?" O maaari ding ipakita sa kasaysayan kung paanong naimbento at nabuo ng tao ang mga tradisyon ng Pasko. Ngunit, mas mainam na sumagot nang may malinaw na rational at Biblikal na pangangatwiran. Subalit mas madalas na maiksi lamang ang oras ng pagpapaliwanag, kaya ang mga sumusunod ang para sa akin ay mainam at maiksing pangangatwiran.  Patungkol sa Pasko at ibang celebration na may  religious background , mayroong dalawang prinsipyo lamang na maaaring tayuan. Ang una ay ang tinatawag na regulative principle , na nagsasabing ang anumang hindi iniutos o pinagtibay ng Biblia, ay ma...

Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoon (Lesson 1)

" Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoon ay sumpain siya. " 1 Corinto 16:22 "Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoon ay sumpain siya." (1 Corinto 16:22) Ang mga salitang ito ay nasa Biblia. Sinabi ni Apostol Pablo na ang sinumang hindi umiibig sa Panginoong Jesu-Cristo, ay pakasumpain ang taong iyon. Basahin at pag isapan ulit ang mga katagang iyon. Ang tunay na Cristianismo ay nag-uutos na si Jesus ang ibigin mo nang higit pa sa buhay mo. At, ang tunay na Cristinismo ay sinusumpa ang sinumang hindi umiibig sa kanya. Ibigin mo si Cristo na Panginoon, o mababaliw sa hirap ang iyong kaluluwa sa bigat ng poot na ibabagsak sa'yo. Dalawang pagpipilian. Ito ang Cristianismong itinatanghal ng Bibilia. Kung iniisip na kakaiba ang sinasabi ni Apostol Pablo tungkol dito, basahin natin ang mga sinabi ni Jesus. At makikita natin na, talagang sumpain ang sinumang hindi umibig kay Jesus. Siya mismo ang nagsasabi niyan... Sinabi ni Jesus, "....

ANG EVANGELIO AYON KAY MARCOS

"Ang pasimula ng evangelio ni Jesucristo, ang Anak ng Diyos." Marcos 1:1 Naitanong mo na ba? Tungkol saan ang Bibilia? Makapal at mabigat, at sinauna na ang librong ito. Isa pa, ang nagbabasa nito ay ibinibilang na relihiyoso. Bukod dito, and daming nagtatalo tungkol sa Biblia. Tungkol saan ba talaga ito? Anong katotohanan ang mayroon dito? Iminumungkahi ko sayo na sa Biblia, basahin mo ng aklat ng Marcos. Ikalawang aklat ito ng Bagong Tipan, pagkatapos ng aklat ng Mateo. Sa apat na unang aklat: Mateo, Marcos, Lucas, at Juan, ang Marcos ang pinaka maiksi. Mabuti kung sisimulan mong basahin ang Biblia sa aklat ng Marcos. Parang summary ito ng buhay at turo ni Jesus. May 16 na kabanata ( chapters ) lamang ito at totoong mabilis ang takbo ng istorya. Madali itong basahin ng isang upuan lamang. Kung tinatamad ka magbasa ng Marcos, ayy tamad ka talaga. Hahayaan mo bang mabuhay kang mangmang sa Biblia dahil sa katamaran mo? Yung ibang libro nga nababasa mo. Hindi mala...

AKLAT NG EXODO: Ang Dalawang Bahagi

Madalas, ang naaalala lamang sa aklat ng Exodo ay ang Sampung Salot, o di kaya’y ang pagtawid sa Dagat na Pula ( Red Sea ), o ang Sampung Utos. Kamangha-mangha nga naman ang mga salaysay patungkol sa mga ito. Ngunit kung iyon lamang ang iyong nalalaman, ayan ay pawang walang pakinabang. Balikan mo uli ang aklat na yun. Hindi ba sinabi duon: Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang Israel ay aking anak, aking panganay...  Pahintulutan  mong ang aking anak ay yumaon, upang siya'y makapaglingkod sa akin …” (Exodus 4:22-23) Paulit-ulit na binitiwan ang mga katagang iyan sa Faraon na hari ng Egipto, noong sa pamamagitan ng malakas na kamay ay iniligtas ni Jehova ang Israel sa bahay ng pagkaalipin. Pinapakita ng mga katagang ito ang dalawang bahagi ng aklat. Ang unang bahagi ay mula kabanatang 1 hanggang 15. Ito ay tungkol sa pagliligtas ng Dios sa Kanyang bayan; ang paglabas ng Kanyang bayang Israel. Sa labinglimang kabanata na ito ay pinakita ang pait at lupit ng pi...