Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoon (Lesson 1)
"Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoon ay sumpain siya."
1 Corinto 16:22
"Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoon ay sumpain siya." (1 Corinto 16:22) Ang mga salitang ito ay nasa Biblia. Sinabi ni Apostol Pablo na ang sinumang hindi umiibig sa Panginoong Jesu-Cristo, ay pakasumpain ang taong iyon. Basahin at pag isapan ulit ang mga katagang iyon. Ang tunay na Cristianismo ay nag-uutos na si Jesus ang ibigin mo nang higit pa sa buhay mo. At, ang tunay na Cristinismo ay sinusumpa ang sinumang hindi umiibig sa kanya. Ibigin mo si Cristo na Panginoon, o mababaliw sa hirap ang iyong kaluluwa sa bigat ng poot na ibabagsak sa'yo. Dalawang pagpipilian. Ito ang Cristianismong itinatanghal ng Bibilia.
Kung iniisip na kakaiba ang sinasabi ni Apostol Pablo tungkol dito, basahin natin ang mga sinabi ni Jesus. At makikita natin na, talagang sumpain ang sinumang hindi umibig kay Jesus. Siya mismo ang nagsasabi niyan...
Kung iniisip na kakaiba ang sinasabi ni Apostol Pablo tungkol dito, basahin natin ang mga sinabi ni Jesus. At makikita natin na, talagang sumpain ang sinumang hindi umibig kay Jesus. Siya mismo ang nagsasabi niyan...
Sinabi ni Jesus, "...
ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang
sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin at sa evangelio ay maililigtas
yaon. Sapagka't ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanlibutan,
at mapapahamak ang kaniyang buhay?" (Marcos 8:35-36). Walang pasubali at
malinaw ang kaniyang mga salita. Una, ang tao ay likas at natural na mapagmahal
ng kanyang buhay at mapagmahal sa sanlibutang ito. Yamang mahal niya ang
kanyang buhay, ay inililigtas niya ito. Inililigtas ng tao ang kanyang sarili
sapagkat nais niyang makamtan ang sanlibutang ito. Ang kasiyahan, kasarapan,
kayamanan, at kaginhawaan ng buhay sa sanlibutan. Ang kinaaliwan, ang mga
pangarap, ang mga minamahal sa buhay, kaluwalhatian, karunungan; at lahat ng
kinakahahayukan ng puso’t hangarin ng laman. Iniibig ng tao ang kanyang sarili,
at ang sanlibutang ito.
Ikalawa, sinabi ni Jesus
kung ano ang kanyang hinihingi. Ang mawalan ng buhay para kanya at sa kanyang
evangelio. Kung iniibig mo si Jesus, itatapon mo ang iyong buhay para sa
dalawang ito. Itapon ang sarili dahil kay Jesus. May nagsabi na ba sa iyo, “Mahal,
itapon mo ang buhay mo para sa akin”? Baka kutusan mo ang taong iyon. Maliban
na lang kung iyon ang minamahal mong asawa, o sinumang minamahal mo sa buhay.
Maaari ngang hindi na nila sabihin, pero iyon na mismo ang nasa puso mo; ang
itapon ang lahat para sa kanya o sa kanila. Ngunit, si Jesus, ang Panginoong
Jesus, ay nagsasalita, na huwag sa anumang bagay mo itapon ang iyong buhay. Inaakala ng iba na kapuri-puri ang mamatay para sa iba; hindi iyon tama. Sa
kanya. Sa kanya mo lamang itatapon ang iyong buhay. At kung sa iba mo itatapon
ang iyong buhay, ikaw nagkakamali ng lubos. Kay Jesus lamang. Siya ang nagsabi niyan.
Ngunit kailangang bigyan
ng pansin, na sinabi niyang “mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin at sa
evangelio”. Sa evangelio. Alam mo ba ang evangelio ni Jesus? Napakahalaga nito sapagkat
ipinantay nya ito sa kanyang sarili. “… Dahil sa akin at sa evangelio”. At sa
ating pag-usad sa pag-aaral, matatanto nating hindi ito isang bagay na hiwalay
kay Jesus. Ang evangelio ay evangelio ni Jesus. Ang totoo nga’y hindi mo
nakikilala ni iniibig man si Jesus kung hindi mo nalalaman at iniibig ang
evangelio niya. Kung hindi mo iniibig ang evangelio ni Jesus, hindi ka sa
kanya.
Ikatlo, sinabi ni Jesus kung
anong sasapitin ng hindi pag–ibig sa kanya. Ano ang sasapitin ng taong iniibig
ang kanyang buhay? Ano ang sasapitin ng taong iniisip na mas mabuting makamtan
ang sanlibutang ito? “Sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan
nito”. Malinaw hindi ba? Kahit pa makamtan ng tao ang sanlibutang ito, wala
iyong pakinabang sapagkat “mapapahamak ang kaniyang buhay”. Dalawang lang. Ibigin mo Cristo at sa Kanya ay
may buhay, o ibigin mo ang iyong sariling buhay at iyon ay kukunin sa iyo. Iyan
ang salita ni Cristo na itinatanghal ng Bibilia.
Sinabi pa ni Jesus, "malibang kayo'y magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan" (Juan 8:24). Sinasabi ni Jesus na Siya mismo ang Cristo. At, malibang manampalataya ka na siya ang Cristo, ay mamatay ka sa iyong mga kasalanan. Mamamatay ka. Si Jesus ang Cristo! Ngunit anong ibig sabihin nuon? Anong ibig sabihin ng "Cristo"? May kahabaan ang pagsagot ng buo at malinaw sa tanong na ito, kaya ang sagot ay ilalaan sa susunod na diskusyon. Subalit ito'y napakahalaga, na sinabi Niya mismo na kamatayan ang hatol sa mga hindi maniniwala na Siya ang Cristo. Datapuwat, maging sapat sa ngayon, na tandaang ang literal na ibig sabihin ng "Cristo"ay "Pinahiran ng langis". Siya ang pinili at itinalaga ng Diyos na hari (Awit 2), ngunit hindi lamang hari.
Ang taong pinagkakaitan ng pinakamatayog na pag-ibig si Jesus na Panginoon at Cristo ay sinumpa. Ang katagang "Sumpain siya" ay nangangahulugan din na "maging takuwil siya", na kabaligtaran ng "itinalaga sa para sa Dios". Ang tinakwil ay hindi para sa Dios at hindi nasa ilalim ng kaniyang mainam na pakikitungo, pag-ibig, biyaya, awa, at kagandahang-loob. Poot at banal na hustisya ng Dios ang ibubuhos sa kanilang ulo sa patong-patong nilang paghamak kay Cristo. At paano nila hinamak si Jesus? Anong mas susuklam pa sa buhay na nagsasabing, "Panginoon? Ang Panginoon na yan ay hindi karapat-dapat ng aking pag-ibig"?
Kaya't sa dulo ng kasaysayan, sa pagdating ng maluwalhating Panginoon na hindi nila inibig, anong kanilang sasapitin? "At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero" (Apocalipsis 6:12-17). Kaya "magpakapantas kayo", sabi ni David noon pang una, "Hagkan ninyo ang anak (ang Cristo), baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak..." (Awit 2). Sinabi ni Jesus, "Huwag kayong mangatakot sa mga pumapatay ng katawan, na pagkatapos niyan ay wala na silang magagawa. Datapuwa't ipinagpapauna ko sa inyo kung sino ang inyong katatakutan: Katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay, ay may kapangyarihang magbulid sa impierno; tunay, sinasabi ko sa inyo, Siya ang ninyong katakutan" (Lucas 12:4-5).
Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoong Jesu-Cristo ay pakasumpain siya. Bakit? Si Jesus, at si Jesus lamang, ang karapat dapat ng pinakamataas na pag-ibig, pananampalataya, pagkilala, pagkatakot, pagsamba. Siya ay karapadat ng iyong buhay, lakas, panahon, pag-iisip, at lahat lahat ng atin; na di makakailang sa Kanya rin mismo nanggaling. Ito ang Cristianismo. Ito ang utos at babala ng Biblia na binigkas mismo ng Panginoong Jesu-Cristo. Pag-isipan mo, at paglaanan mo ng oras. Ang mga bagay na ito ay ang pagitan ng kamatayan at buhay. Iniibig mo ba Siya?
~zk
Comments
Post a Comment