Posts

Showing posts from June, 2017

Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoon (Lesson 1)

" Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoon ay sumpain siya. " 1 Corinto 16:22 "Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoon ay sumpain siya." (1 Corinto 16:22) Ang mga salitang ito ay nasa Biblia. Sinabi ni Apostol Pablo na ang sinumang hindi umiibig sa Panginoong Jesu-Cristo, ay pakasumpain ang taong iyon. Basahin at pag isapan ulit ang mga katagang iyon. Ang tunay na Cristianismo ay nag-uutos na si Jesus ang ibigin mo nang higit pa sa buhay mo. At, ang tunay na Cristinismo ay sinusumpa ang sinumang hindi umiibig sa kanya. Ibigin mo si Cristo na Panginoon, o mababaliw sa hirap ang iyong kaluluwa sa bigat ng poot na ibabagsak sa'yo. Dalawang pagpipilian. Ito ang Cristianismong itinatanghal ng Bibilia. Kung iniisip na kakaiba ang sinasabi ni Apostol Pablo tungkol dito, basahin natin ang mga sinabi ni Jesus. At makikita natin na, talagang sumpain ang sinumang hindi umibig kay Jesus. Siya mismo ang nagsasabi niyan... Sinabi ni Jesus, "....

ANG EVANGELIO AYON KAY MARCOS

"Ang pasimula ng evangelio ni Jesucristo, ang Anak ng Diyos." Marcos 1:1 Naitanong mo na ba? Tungkol saan ang Bibilia? Makapal at mabigat, at sinauna na ang librong ito. Isa pa, ang nagbabasa nito ay ibinibilang na relihiyoso. Bukod dito, and daming nagtatalo tungkol sa Biblia. Tungkol saan ba talaga ito? Anong katotohanan ang mayroon dito? Iminumungkahi ko sayo na sa Biblia, basahin mo ng aklat ng Marcos. Ikalawang aklat ito ng Bagong Tipan, pagkatapos ng aklat ng Mateo. Sa apat na unang aklat: Mateo, Marcos, Lucas, at Juan, ang Marcos ang pinaka maiksi. Mabuti kung sisimulan mong basahin ang Biblia sa aklat ng Marcos. Parang summary ito ng buhay at turo ni Jesus. May 16 na kabanata ( chapters ) lamang ito at totoong mabilis ang takbo ng istorya. Madali itong basahin ng isang upuan lamang. Kung tinatamad ka magbasa ng Marcos, ayy tamad ka talaga. Hahayaan mo bang mabuhay kang mangmang sa Biblia dahil sa katamaran mo? Yung ibang libro nga nababasa mo. Hindi mala...