Natutuwa kaya ang Diyos sa "Pasko"?
Isang kaklase ko ang nagtanong, "Ano bang religion mo?", matapos na sabihin ko na hindi ako nagce-celebrate ng Pasko, at ng iba pang holidays na may religious background . Katulad ng maraming tanong sa mundo, madali lang sagutin nang may isa o dalawang salita ang ganitong tanong. Maaaring ibalik sa kanya at tanong at sabihing, "bakit naman ako magpapasko? Natutuwa ba ang Diyos sa Pasko?" O maaari ding ipakita sa kasaysayan kung paanong naimbento at nabuo ng tao ang mga tradisyon ng Pasko. Ngunit, mas mainam na sumagot nang may malinaw na rational at Biblikal na pangangatwiran. Subalit mas madalas na maiksi lamang ang oras ng pagpapaliwanag, kaya ang mga sumusunod ang para sa akin ay mainam at maiksing pangangatwiran. Patungkol sa Pasko at ibang celebration na may religious background , mayroong dalawang prinsipyo lamang na maaaring tayuan. Ang una ay ang tinatawag na regulative principle , na nagsasabing ang anumang hindi iniutos o pinagtibay ng Biblia, ay ma...