Posts

Showing posts from May, 2017

AKLAT NG EXODO: Ang Dalawang Bahagi

Madalas, ang naaalala lamang sa aklat ng Exodo ay ang Sampung Salot, o di kaya’y ang pagtawid sa Dagat na Pula ( Red Sea ), o ang Sampung Utos. Kamangha-mangha nga naman ang mga salaysay patungkol sa mga ito. Ngunit kung iyon lamang ang iyong nalalaman, ayan ay pawang walang pakinabang. Balikan mo uli ang aklat na yun. Hindi ba sinabi duon: Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang Israel ay aking anak, aking panganay...  Pahintulutan  mong ang aking anak ay yumaon, upang siya'y makapaglingkod sa akin …” (Exodus 4:22-23) Paulit-ulit na binitiwan ang mga katagang iyan sa Faraon na hari ng Egipto, noong sa pamamagitan ng malakas na kamay ay iniligtas ni Jehova ang Israel sa bahay ng pagkaalipin. Pinapakita ng mga katagang ito ang dalawang bahagi ng aklat. Ang unang bahagi ay mula kabanatang 1 hanggang 15. Ito ay tungkol sa pagliligtas ng Dios sa Kanyang bayan; ang paglabas ng Kanyang bayang Israel. Sa labinglimang kabanata na ito ay pinakita ang pait at lupit ng pi...